Tuesday, September 7, 2010

Welcome to MyBagac.com

Bagac, Bataan, Philippines

Archive for March, 2009

The Beauty of BAGAC by Richard Gutierrez

Posted by Puge On March - 30 - 2009

zorro2 “Welcome to our Universal Studios!” ang bati ni Richard Gutierrez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa set ng Zorro sa Acuzar Compound sa Bagac, Bataan noong March 26. Naging posible ang pagdalaw na iyon sa location—na may three-hour drive from Quezon City to Bagac, Bataan—sa imbitasyon ng ina ni Richard na si Annabelle Rama.

Wala pa si Richard nang dumating ang grupo sa Acuzar Compound dahil 5 a.m. na raw that day natapos ang taping nila sa second location nila sa San Miguel, Bulacan. Kaya si direktor Dominic Zapata muna ang naging “tour guide” ng mga press.

ACUZAR COMPOUND. Sinabi ni Direk Dom kung anu-ano ang mga bahay na nakatayo sa 400-hectare na Acuzar Compound ang binili—kasama ang bundok sa east side nito at ang ilog sa west side—sa nilulubugan ng araw para masiguro ng may-ari na walang magtatayo ng bahay o building at magkakabit ng mga kawad ng kuryente.

Gusto raw kasi ng developer nito na si Mr. Jimmy Acuzar na ma-preserve ang 1900s look na wala pang kuryente. Generator lang ang ginagamit ng production para magkaroon ng kuryente at tubig habang nagte-taping sila roon. Kahit si Mr. Acuzar at ang pamilya nito ay generator lang daw ang ginagamit nila kapag dumadalaw sila roon kung weekend.

Kuwento ni Direk Dom, “Ang ginagawa ni Mr. Acuzar, kapag may nabalitaan siyang matandang bahay sa iba-ibang lugar ng bansa, na naitayo noong 1900 na pwedeng bilhin, binibili niya. Isa-isa itong dini-dismantle, dadalhin dito at saka bubuuin.

“Kung hindi ako nagkakamali, may 26 houses na ang nakatayo rito at may mga ipinatatayo pa siya. Itong pinaka-plaza na napapanood ninyo sa Zorro, hahanga kayo kung paano ito naitayo at ang bilis ng mga manggagawa nila rito. Kapag naayos na ni Mr. Acuzar lahat ito, magiging isang community na raw ito. Ang huli niyang ipapatayo, isang simbahan na made of corals.”

Maya-maya ay dumating na rin si Richard, na naka-costume na bilang Zorro minus the cape nang makausap siya ng PEP.

Paano nila nakuha ang Acuzar Compound, na kapag napanood ang Zorro ay akala mo talagang bumalik ang Spanish era?

“May nakakita na ng lugar kaya lang ayaw pumayag si Mr. Acuzar na ipagamit ito sa taping,” banggit ni Richard. “Kaya ako ang personal na nakipag-usap sa kanya. Sabi niya sa akin, ‘Richard, yung lugar, ipinatayo ko ‘yon hindi for business, it’s passion for me.’”

Patuloy niya, “Every weekend, nandito raw siya with his family. At peace siya rito kasi nga tahimik, malakas ang hangin, at ang isang napakaganda rito, ang sunset. At passion nga raw niyang ibalik yung 1900, gusto niyang buhayin ang Pilipinas ng mga taong iyon, ang culture nito. Kaya nang una raw niyang mapanood ang Zorro, proud na proud siya nang makita niya ang kagandahan ng pinagpapaguran niya rito. Kaya ang Zorro pa lang ang unang nakagamit nitong Acuzar Compound.

“Kay Mr. Acuzar ko rin nalaman na may historical significance pala itong Bagac. Noon daw World War II, ito lang yung place dito sa Bataan na hindi napasok ng Japanese forces. Dito nag-ipun-ipon ang mga Filipino at naka-survive sila rito. Kaya ‘yon, lalong nagkaroon ng interest si Mr. Acuzar na buhayin muli ang panahong ‘yon.”

NOT FAR FROM HOME. Totoo bang halos hindi na umuuwi ng Manila si Richard at doon na lang siya sa Bataan namamalagi?

“Hindi na halos ako umuuwi ng Manila,” pagkumpirma ni Richard. “Kapag may araw na libre, pero kinabukasan ay babalik ulit kami, hindi na ako umaalis dito. Hinihintay ko na lang ang pagbalik nila rito. Nandoon lang ako sa Montemar Hotel, doon kasi naka-billet ang buong cast.

“Pag nandito kasi ako, parang nalilimutan kong nasa modern times na tayo, dahil very peaceful dito. Sariwa ang isda at gulay dito, malamig ang hangin mula sa dagat. Saka may time din namang nakapaglalaro kami rito. Dinala ko rito ang jet ski ko, ang mga toys ko [miniature cars] at ang portable gym ko.

“Malapit lang kasi ang Montemar Beach dito, kaya pumapasyal ako dito tapos babalik din ako doon. Kapag nasa set naman kami at break sa taping, nangangabayo kami around. Mababait yung mga kabayo naming gamit dito. Si Buhawi ang kabayo ko, si Pleasant Dream naman ang kabayo ni Rhian,” lahad ng young actor.

** Alfie Lorenzo:
I have marveled and wrote at it before na yong BAGAC, BATAAN na location ay nagawang mas maganda pa kesa kung nagpunta pa sa Mexico, City ang buong tropa to shoot.Mistulang blessing nga ‘yung matagpuan ang buong subdivision na yon na isang pamilya lang ang nakatira as if sadyang inihanda ‘yun para sa location shooting ng ZORRO…..

Popularity: 86% [?]

VOTE EARTH! YOUR LIGHT SWITCH IS YOUR VOTE

Posted by Puge On March - 20 - 2009

This year, Earth Hour has been transformed into the world’s first global election, between Earth and global warming.

For the first time in history, people of all ages, nationalities, race and background have the opportunity to use their light switch as their vote – Switching off your lights is a vote for Earth, or leaving them on is a vote for global warming. WWF are urging the world to VOTE EARTH and reach the target of 1 billion votes, which will be presented to world leaders at the Global Climate Change Conference in Copenhagen 2009.

This meeting will determine official government policies to take action against global warming, which will replace the Kyoto Protocol. It is the chance for the people of the world to make their voice heard.

Earth Hour began in Sydney in 2007, when 2.2 million homes and businesses switched off their lights for one hour. In 2008 the message had grown into a global sustainability movement, with 50 million people switching off their lights. Global landmarks such as the Golden Gate Bridge in San Francisco, Rome’s Colosseum, the Sydney Opera House and the Coca Cola billboard in Times Square all stood in darkness.

In 2009, Earth Hour is being taken to the next level, with the goal of 1 billion people switching off their lights as part of a global vote. Unlike any election in history, it is not about what country you’re from, but instead, what planet you’re from. VOTE EARTH is a global call to action for every individual, every business, and every community. A call to stand up and take control over the future of our planet. Over 74 countries and territories have pledged their support to VOTE EARTH during Earth Hour 2009, and this number is growing everyday.

We all have a vote, and every single vote counts. Together we can take control of the future of our planet, for future generations.

VOTE EARTH by simply switching off your lights for one hour, and join the world for Earth Hour.

Popularity: 88% [?]

MyBagac.com Community Site is Back!!!

Posted by Puge On March - 6 - 2009

After moving more than 8,000 photos, more than 800 members, and thousands of data.
The Community Portal is now back.

Popularity: 97% [?]

Zorro Starts Shooting in Bagac

Posted by Puge On March - 6 - 2009

Alfie Lorenzo: ”I have marveled and wrote at it before na yong BAGAC, BATAAN na location ay nagawang mas maganda pa kesa kung nagpunta pa sa Mexico, City ang buong tropa to shoot.Mistulang blessing nga ‘yung matagpuan ang buong subdivision na yon na isang pamilya lang ang nakatira as if sadyang inihanda ‘yun para sa location shooting ng ZORRO…..

Popularity: 96% [?]